Hate your job?

So ayun, nakatulala ako sa labas ng bintana ng bus habang nabiyahe pauwi nang bigla kong naisip kung masaya ba ako sa trabaho ko ngayon. FYI, 2 months palang ako sa work.

Masaya ba ko? Hmm… Mababait naman mga kasama ko, saktuhan lang sahod at marami namang natututunan sa trabaho. Ginusto ko ba ‘tong trabaho na to? Oo, kasi related sa course ko at starting palang ako. Kaya ko pa ba? Kaya pa naman.

So habang iniisip ko yang mga tanong at sagot na yan, naalala ko yung sinasabi ng iba na pumili ka ng trabahong mahal mo or gusto mong gawin para magenjoy ka okaya para hindi stress much diba. PERO. Oo guys, may pero.

Pero, naisip ko. Teka, parang mali. Eh kung pipili ka ng gusto mo lang or kaya eh yung kaya mo lang edi para ka naring sumuko sa pangarap mo, para kang sumuko. Ah basta, di ko maexplain ng ayos. Gets mo naman na diba? Haha

Gusto ko lang sabihin na lahat ng trabaho ay mahirap. Walang madali. Walang mataas or mababa. Minsan tama minsan mali. Chos serious mode.

Basta ang tip ko lang is pag may trabaho ka, wag mong isipin na nagttrabaho ka para sumweldo. Ang isipin mo ay kung ano yung magiging kakalabasan ng nagawa mo para sa pinagttrabahuhan mo. For example, nagttrabaho ka sa BPO para iprovide yung needs ng clients o kaya pasimplehan natin. Tindera ka sa isang grocery store tapos may bumili sayo. So kung hindi mo mahal trabaho mo ang gagawin mo baka tarayan mo yung customer BUT if you love your job siyempre bonggang customer service ang gagawin mo may kasamang ngiti kahit plastic minsan, you serve people not because it’s your job but because it’s nice to serve others. At pag ginawa mo yun malay mo si ateng customer mo nung isang araw maging suki mo na kasi mabait ka sakanya. Edi bonggang kita makukuha mo. Nagegets niyo ba ako? Di kasi talaga ako magaling sa explaination e tsaka kakauwi ko lang galing work. Hahahaha

Basta mahalin mo work mo. Parang pag ibig lang yan. Wag mo susukuan hanggat may pinanghahawakan ka pa. Kasi lahat ng bagay may pag-asa. 

Ewan ko ba. Minsan talaga gusto ko lang magpost. Memasabi lang. Haha

Advertisements